Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na makapasok sa bansa ang mga dayuhan na mayroong investors visa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, simula November 1 ay maaari nang makapasok sa bansa ang mga dayuhan na may investor visas na inisyu ng Bureau of Immigration (BI) at ng Department of Justice (DoJ).
“Ang pupwede lang po ay mga foreign nationals na mayroon visa na inissue ng Bureau of Immigration pursuant to Executive Order No. 226 or the Omnibus Investment Code as amended by RA 8756, yung mga investors visa na tinatawag po no. At kasama rin po dito yung mga foreign nationals na mayroong 4782 visa na inissue ng Department of Justice, ang mga visa na inissue ng Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority, at ng Subic Bay Metropolitan Authority,” ani ni Sec. Roque.
Paliwanag pa ni Roque, subject sa ilang kondisyon ang pagpasok sa bansa ng nasabing mga dayuhan.
Kabilang dito ang pagkakaroon dapat nila ng pre-booking sa accredited quarantine facility ng pamahalaan.
Maliban dito, kailangan din nilang sumunod sa ipinatutupad na maximum capacity ng inbound passengers.