Foreign Nationals na nais magtrabaho sa POGO, bumaba – DOLE

Lumiliit ang bilang ng foreign nationals kabilang ang mga Chinese na nais magtrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE) mula Enero hanggang Setyembre, nakapag-isyu sila ng 73,640 alien employment permits (AEPs) sa foreign workers.

Mula sa nasabing bilang 84.46% o 62,196 ang ibinigay sa mga nagtatrabaho sa POGO.


Kumpara sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon, nasa 158,710 AEPs na inisyu nila sa mga foreign workers, kung saan 77.91% o 123,649 ay mula sa POGO workers.

Ayon kay Labor Assistant Secretary Dominique Tutay, halos kalahati ang ibinaba ng bilang ng mga dayuhang nais magtrabaho sa POGO mula nang ipatupad ang lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

“This showed a substantial decrease of 49.69 percent or 61,453 compared to the total issuance in 2019, due to the limited inbound travel restrictions and limited operations of POGO-related establishments,” ani Tutay.

Karamihan sa mga dayuhang nagtatrabaho sa POGO ay mga Chinese na may halos 90% ng kabuoang AEP issuance.

Facebook Comments