Foreign Secretary Yasay, nagisa sa pagharap sa Commission on Appointments

Naging mabusisi ang Commission on Appointments Committee on Foreign Relation sa pagsalang sa appointment ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, Jr.

Sa pagsalang nito kanina, kinwesyon ni Occidental Mindoro Congresswoman Josephine Sato, ang inilabas na listahan ng US Internal Revenue Service nitong Pebrero kung saan dito lamang napasama ang pangalan ni Yasay na hindi siya citizen ng Amerika.

Agad naman humingi ng sorry si Yasay, dahil sa idinulot nitong kalituhan sa Commission on Appointments kaugnay sa kanyang US citizenship.

Pag-amin ni Yasay, November 1986 ng naisyuhan siya ng US passport at dito rin niya nakuha ang US naturalization certificate.

Pero, ayon kay Yasay, ibinasura niya ang kanyang citizenship dahil nagdesisyon siyang bumalik at manatili sa Pilipinas matapos mapatalsik si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa ngayon, nagsasagawa ng executive session ang Commission on Appointments Committee on Foreign Relations para desisyunan kung ire-reject ba o iko-confirm si Yasay.

Facebook Comments