Foreign travels ni PRRD, suspendido dahil sa banta ng COVID-19

Suspendido muna ang lahat ng biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte patungo sa ibang mga bansa, sa gitna pa rin ng banta ng COVID-19.

Base sa public advisory na inilabas ng Presidential Security Group (PSG), lahat ng foreign travels ng pangulo partikular sa mga bansa na mayroong confirmed cases ng virus ay ipagpapaliban muna.

Ito ay alinsunod na rin sa rekomendasyon ng Department of Health (DOH).


Isa sa mga inaasahang biyahe ng Pangulo ay patungo sa Vietnam ngayon para sa ika- 36 na Asean Summit ngayong Abril.

Facebook Comments