LGU, dapat magtakda na ng mga hotel at establisyemento na maaring gamitin bilang quarantine centers

Ngayon pa lang ay dapat mayroong ng nakahanda na quarantine centers ang bawat lungsod, munisipalidad at lalawigan sa buong bansa.

Ito ang iginiit ni Senator Nancy Binay sa Department of Health (DOH), Local Health Officials at Local Government Units (LGUs).

Mungkahi ni Binay, pumili na ngayon ang LGUs ng mga hotel o establisyemento na maaring paglagyan sa kanilang mga mamamayan na sasailalim sa obserbasyon sa hinalang pagtataglay ng COVID-19 virus.


Inihalimbawa ni Binay ang albay na may itinalaga ng hotel para gawing quarantine center na makakatulong para mapigil ang pagkalat ng  COVID-19.

Katwiran ni Binay, hindi dapat maging kapante o mabagal sa pagkilos ang mga LGUs at Local Health Officials at huwag ng hintayin na kulangin ang mga ospital para sa mga pasyenteng magpapakita ng sintomas ng COVID-19.

Facebook Comments