Foreign workers sa Central Luzon, hahanapan na ng police clearance ng PNP

Nire-require na ng mga pulis sa Central Luzon ang mga foreign worker na kumuha ng police clearance.

Ito ay bilang bahagi na rin ng ginagawang hakbang ng pamahalaan para masugpo ang human trafficking at kidnapping sa mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.

Batay sa Philippine National Police regional office, nasa 30 manggagawa na sa Tele Empire Inc. sa Subic Bay Freeport ang cleared na at walang criminal record.


Ang Tele Empire ay hindi isang POGO pero accredited service provider ng mga lisensyadong POGO sa rehiyon.

Nasa 180 ang empleyado nito kung saan karamihan ay mga Chinese, Malaysians at Indians.

Ayon kay PNP Regional Director Police Brig. Gen. Cesar Pasiwen, ang pagkuha ng police clearance ay isang identification process hindi lang sa mga Filipino kundi maging sa mga foreign nationals na nagta-trabaho sa bansa.

Una nang ipinag-utos ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na magsagawa ng “safety nets” ang PNP kaugnay sa mga nagaganap ngayon na krimen na nauugnay sa POGO.

Facebook Comments