Apat na pinaghihinalaang tulak sa iligal na droga, arestado sa Lalawigan ng Rizal

72

Kalaboso ang apat na personalidad na umanoy tulak sa iligal na droga makaraang maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Sitio Tadlak, Brgy. Looc, Cardona, Rizal.

Kinilala ang apat na mga suspek na sina Jhon Carlo Santos, leader umano ng John Carlo Santos Drug Group; Janice Sesbreño, Mark Nelson Belleza at Efraim Hernandez.

Nasakote ang apat sa isinagawang buy-bust operation ng Rizal Police Intelligence Unit sa Sitio Tadlak, Brgy. Looc, Cardona, Rizal.


Sa report ni Rizal Police Provincial Director, Police Colonel Dominic L Baccay kay Calabarzon Acting Regional Director Police Brigadier Jose Melencio C Nartatez Jr, isang alyas Dune na kilalang lider ng John Carlo Santos Drug Group ang sangkot sa talamak na bentahan ng iligal na droga sa Cardona Rizal.

Agad nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Rizal Provincial Intelligence Unit at Cardona Municipal Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga salarin.

Nakumpiska sa pag-iingat ng mga suspek ang sampung pirasong maliliit na plastic sachet na naglalaman ng 50 gramo ng hinihinalang shabu; na nagkakahalaga ng ₱340,000.00,pouch; isang piraso ₱1,000 bill na buy-bust money at iba pa.



Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments