*Cauayan City, Isabela*- Mahigpit na binabantayan ng Bureau of Immigration sa Lungsod ng Cauayan ang mga banyaga na direkta sa China o kalapit na lugar na posibleng magtungo sa Isabela partikular sa lungsod kaugnay sa banta ng 2019 Novel Coronavirus.
Ayon kay BOI Officer Laurente Tumaliauan ng Isabela, hindi na papayagan pang makapasok sa mga paliparan ang mga banyagang magmumula sa Mainland China, Hongkong at Macau upang matiyak ang hindi pagkakaroon ng nakamamatay na sakit.
Idineklara na rin ang pagbanned sa mga banyagang magmumula sa mga bansang nabanggit batay na rin sa direktiba ng BOI Central Office.
Dagdag pa ni Ginoong Tumaliuan na mahigpit din ang kanilang pakikipag ugnayan sa Department of Health at iba pang ahensya ng gobyeno para matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Nagtalaga na rin ng mga tauhan ang BOI sa Cauayan Airport para sa mahigpit na pagbabantay sa publiko na lalapag sa nasabing paliparan.