Foreman patay sa road accident sa bayan ng Mlang North Cotabato

Patay ang isang 47-anyos na foreman dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay nabundol niya ang isang kalabaw na tumawid sa national highway sa Purok-3, Brgy. Liboo, sa bayan ng Mlang, North Cotabato kahapon ng umaga.
Kinilala ng Mlang Pnp ang biktima na si Elmer Bermudez Gocotano,, may asawa at residente ng Purok-1, Bialong sa bayan din ng Mlang.
Dakong alas-5:45 ng umaga kahapon (Marso 9 ) ay sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo patungo ng Kidapawan City, para pumasok sa kanyang trabaho ng mapadaan ito sa pakurbadang highway sa Barangay Liboo ay biglang tumawid ang isang kalabaw at itoy kanyang nabangga . Sa lakas ng pagkakabangga ay agad namatay ang biktima ng mabagok ang ulo nito sa semento dahil wala umano itong suot na helmet.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments