Forest Fire dahil sa Kapabayaan!

Benguet, Philippines – Sa isinagawang Benguet inter-agency task group convergence meeting, kasama ang Bureau of Fire Protection (BFP)-Benguet, pinag-usapan ang mga kaso ng forest fire sa probinsya ng Benguet kung saan, lumabas sa ilang imbistigasyon na madalas na mitsa ng forest fire ay ang mga sigarilyong may sindi pa at yung ibang kaso naman ay dahil sa mga batang naglalaro ng posporo o lighter, mga napabayang bonfire o pailaw at kaingin. 

Ayon sa naitalang kaso ni Provincial Fire Marshal Saturnino Labbay noong nakaraang taon, mayroong 168 na kaso ng forest at grass fire sa buong probinsya ng Benguet, kung saan umaabot ng 21 na sunod kada buwan.

Humingi naman ng suporta mula sa ilang Lokal na Gobyerno at Department of Environment and Natural Resoruces sina officer-in-charge Provincial Environment and Natural Resources Office o Penro, Benguet Edgardo Flor at Chief Inspector Labbay na makipagtulungan para hindi na dumami ang kaso ng forest fire sa probinsya.


Ayon kay Flor, ay hindi nila ito magagawa ng sila lamang kung saan naman ay ipinunto nya naman din ang ilang kaso ng forest fire sa Tuba, Tublay at Itogon noong nakaraang Enero lamang.

Mayroon namang nilagdaang pledge of commitment ang Benguet Inter-agency task group kung saan ay para mapabuti ang pagbabantay kontra naman sa forest fire at isa din memorandum of understanding ang nilagdaan ng ilang mga representative ng 13 na munisipalidad, barangay councils, DENR, provincial government at Bureau of Fire Protection para naman sa pagprotekta ng ilang mga sebisyong pangkalikasan.

iDOL, sana huag tayong maging careless.

Facebook Comments