Forfeiture case ng mga Marcos, ibinasura ng Sandiganbayan

Ibinasura ng Sandiganbayan Second Division ang P102 bilyong forfeiture case laban kay Pangulong Ferdinand Marcos at dating First Lady Imelda Marcos at 11 cronies nito dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Sa 67-pahinang desisyon, sinabi ng korte na kulang ang ebidensya ng Presidential Commission on Good Government para patotohanan ang alegasyon nito.

Nabigo umano ang prosekusyon na patunayan na naging dummy ang mga akusado ng mag-asawang Marcos upang magkamal ng nakaw na yaman.


Wala umanong naipakitang ebidensya upang mapatunayan na may partisipasyon ang mag-asawa sa pagpapautang sa Aklan Bulk Carriers, Inc., Fuga Bulk Carriers, Inc., Coron Bulk Carriers, Inc., at Ecija Bulk Carriers, Inc., at paggamit ng kita mula sa RPN-9, IBC-13 at BBC-2 para sa kanilang personal na pakinabang.

Facebook Comments