Former ARMM DPWH Secretary pinarangalan ni Presidente Duterte

Pinangunahan ni Presidente Rodrigo Duterte ang conferment ceremony ng Gawad Career Executive Service (CES) at 2017 Outstanding Government Workers awards sa mga natatanging civil servants na isinagawa sa Rizal Hall of MalacaƱan Palace kahapon September 20, 2017.

Kasama ang mga opisyales ng Civil Service Commision, ginawaran ng pakilala ni Presidente Duterte ang mga kawani ng gobyerno kasabay ng culmination of the annual search for outstanding public officials and employees kahapon.

Kabilang sa mga binigyang pagkilala si former Department of Public Works and Highways ARMM Secretary Emil Sadain na kasalukuyang USEC na ng DPWH Central Office.


Pinarangalan si Sec. Sadain bunsod na rin sa kanyang mga nagawang reporma sa halos 4 na taong paninilbahan sa rehiyon partikular sa pagpapatupad ng good governance at paglaban sa korapsyon sa kanyang departamento na kanya namang itinutuloy sa ilalim ng pamamahala ni DPWH Secretary Mark Villar.

Kaugnay nito bumuhos ang pagbati ng mga taga ARMM at Bangsamoro sa parangal na natanggap ni Sec. Sadain.
Masaya namang tinanggap ni Sec. Sadain kasama ng kanyang pamilya ang nabubukod tanging parangal na iginawad ng CSC at ni Presidente Duterte(DENNIS ARCON)
Pres. Com Pic

Facebook Comments