Maaari nang bumalik sa gobyerno si dating Iloilo City Mayor Jed Patrcik Mabilog matapos gawaran ng executive clemency ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa inilabas na resolusyon ng Office of the President (OP) na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, nakita ng Pangulo na marapat na mapagbigyan ang hiling ni Mabilog na executive clemency dahil sa matagal na commitment nito sa good governance.
Patunay anila dito ang mga natanggap na awards at pagkilala sa Iloilo City sa ilalim ng kaniyang pamamahala.
Dahil dito, sinabi ni Bersamin na burado na rin ang lahat ng parusa o disabilities kaugnay sa mga kasong administratibo sa Ombudsman.
Pwede na ring tumakbo si Mabilog sa eleksyon kung kanyang nanaisin.
Facebook Comments