MOA sa pagitan ng Comelec at NPO sa pag-imprenta ng balota, nilagdaan na

Nilagdaan na ng Commission on Elections (Comelec) at National Printing Office (NPO) ang isang Memorandum of Agreement (MOA) para sa printing ng election ballots para makatiyak ang Comelec na matatapos ang pag-imprenta bago ang kanilang deadline para rito.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, nag-isyu na rin ng partial termination ang MIRU System sa kanilang kontrata sa Comelec upang mabigyan ng pahintulot ang NPO na mag print ng balota.

Sa ilalim ng MOA, paghahatian ng MIRU Systems at NPO ang pag-imprenta ng balota sa 18 rehiyon ng bansa.

Umaasa naman ang NPO na makapag-imprenta sila ng 1.5 million na balota kada araw at maaari pa anila itong tumaas.

Sa kabila ng pagkaantala, layunin pa rin ng Comelec na matapos ang pag imprenta ng mga balota sa nauna nilang deadline na April 14 ngayon taon.

Facebook Comments