Former Rebels na Hawak ng 86IB, Kasalukuyang Nag-aaral sa ALS

Cauayan City, Isabela- Hindi naging hadlang ang nararanasang pandemya na dulot ng COVID-19 sa pitong (7) dating rebelde na nasa kustodiya ng 86th Infantry Battalion upang makapag-aral sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) Program ng DepEd.

Ang pitong dating kasapi ng New People’s Army (NPA) ay determinadong makapagtapos ng kanilang pag-aaral kung saan inaasahan sa mga ito na lalong mahasa ang kanilang pagbabasa, pagsusulat at maunawaan ang Matematika.

Kamakailan lamang, bumisita ang DepEd sa pangunguna ni Ginoong Richard Lagasca, ang ALS Coordinator kasama ang iba pang mga guro ng ALS mula sa Jones West Central School upang magsagawa ng balidasyon at equivalent test sa pitong FR’s na ALS students.


Sakaling pasok sa standard ng DepEd-ALS ang kakayahan ng pitong dating rebelde, mabibigyan ang mga ito ng Diploma bilang patunay na sila ay kwalipikado para magpatuloy sa pag-aaral o di kaya’y para sa kanilang pag-aapply ng trabaho.

Matatandaan na sinimulan ang naturang programa para sa mga dating rebelde noong Oktubre 8, 2020.

Facebook Comments