
CAUAYAN CITY- Nakatanggap ng libreng serbisyo mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang 200 dating rebelde sa isinagawang serbisyo caravan sa Nueva Vizcaya.
Pinangunahan ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) ang aktibidad kung saan inihatid ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan sa pamamagitan ng One-Stop-Shop sa Bayan ng Bayombong.
Ipinamahagi ang mga serbisyo sa mga dating rebelde at kanilang mga pamilya mula sa iba’t ibang ahensya tulad ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Land Transportation Authority (LTO), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Information and Communications Technology (DICT), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Philippine National Police (PNP), Provincial Health Office (PHO), Department of Health (DOH), Bureau of Fire Protection (BFP), Rotary Club of Bayombong Capital, Integrated Bar of the Philippines-NV Chapter, at iba pa.
Ayon sa mga opisyal ng OPAPRU, ang pagkakaroon ng organisasyon ng mga dating rebelde ay magbibigay daan para sa mas madaling access sa mga tulong ng gobyerno sa pamamagitan ng kanilang membership sa Local Special Bodies ng kani-kanilang LGUs.