“Four pillar strategy” na gagamitin ng pamahalaan sa patuloy na pagtugon sa COVID-19, inilatag ng DOF

Nabuo na ng Deparment of Finance ang tinatawag na “four pillar strategy” na gagamitin ng pamahalaan sa patuloy na pagtugon sa COVID-19.

Ayon kay Finance Undersecretary Tony Lambino, layon nitong matiyak na hindi tuluyang bibigay ang bansa sa mga dagok na dulot ng pandemya.

Ngayong buwan, sinabi ni Lambino na nasa 1.7 trillion pesos ang halaga ng four pillar strategy ng inilaan ng gobyerno o katumbas ng 9.1 % na laki ng ekonomiya o Gross Domestic Product.


Pangunahin sa mga pundasyon ay ang tinatawag na emergency support para sa mga vulnerable groups and individuals, kung saan nakapaloob ang Social Amelioration Program para sa mahihirap na sector at ang Small Business Wage Subsidy para naman sa mga manggagawa sa maliliit na negosyo o Micro, Small, and Medium Enterprises.

Pangalawa aniya sa pillar ay ang resources na kina-kailangan para labanan ang COVID-19, tulad ng Personal Protective Equipment para palakasin ang health system ng bansa para sa kapakanan ng frontliners.

Pangatlo ay ang pangungutang ng gobyerno o ang fiscal and monetary actions para pondohan ang mga emergency at medium term initiatives na naglalayong patuloy na palakasin ang ekonomiya.

At panghuli sa pundasyon ay ang tinatawag na economic recovery plan na binubuo nila ngayon kasama ang mga mambabatas para makabangon ang mga negosyo, makabalik sa trabaho ang mga manggagawang pilipino sa pinakamabilis at pinakaligtas na paraan.

Facebook Comments