Matatandaan na ilan sa mga sinasabing ibinebentang pekeng abono ay ang Philphos fertilizer na grade 14-14-14 at 16-20 na may kahina-hinalang packaging.
Sa nakuhang impormasyon mula sa Department of Agriculture Region 2, nagsagawa ng laboratory analysis ang RFU sa 50kg sako ng Philphos Ammonium Phosphate and Philphos 14-14-14 na may registration nos. 1-1IF-7464 and 1-1LF-013.
Base sa resulta ng laboratory analysis, ang mga ito ay di nakapasa sa standard base sa kanilang guaranteed analysis.
Agad naman ipinagbigay alam agad sa kumpanya ang resulta nag laboratory analysis upang bigyan ng oportunidad na makapagpaliwanag ngunit itinanggi ng kumpanya na may kinalaman sa mga produktong may kahina-hinalang packaging at sinabing di sila ang nagsusuplay ng kaparehas na produkto.
Panawagan ng FPA sa mga magsasaka na maging mapagmatyag at wag tangkilikin ang mga pekeng abono. Dagdag pa ng FPA, ireport agad ang mga ito sa kanilang tanggapan para maaksyunan.