
Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na walang seryosong medical condition ang dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay VP Sara, ang idinadaing lamang ng dating pangulo ay pananakit ng kanyang tuhod at likod na aniya’y normal na nararanasan ng mga nakakatanda.
Hirap din aniya ang dating Pangulo sa sobrang lamig sa The Netherlands.
Kinumpirma rin ni VP na mahina ang mata at pandinig ng dating Pangulo dahil may edad na aniya ito.
Facebook Comments