Manila, Philippines – Nagkasundo ang China at iba pang bansang miyembro ng ASEAN sa framework ng Code of Conduct (COC) sa South China Sea.
Ito ang inanunsyo ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na siyang kinumpirma naman Department of Foreign Affairs (DFA) sa nangyaring ASEAN Ministerial Meetings kahapon.
Ang COC ang magsisilbing gabay sa negosasyon ng naturang bansa ukol sa wastong pagkilos sa South China Sea.
Sinabi naman ni Foreign Affairs Spokesperson Robespierre Bolivar – mas bukas ang administrasyong Duterte na makipag-usap sa China kahit pa nanalo ang pilipinas sa UN arbitral tribunal.
Ayon kay Singaporean Foreign Minister Vivian Balakrishnan, na siyang kinatawan ng ASEAN – na malaking katagumpayan sa ASEAN-China relations ang muling pagpapatibay ang kanilang commitment sa pagpapanatili ng kapayapaan partikular sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo.
Kasabay nito, naging daan din ang pagpupulong sa re-affirmation of respect para sa freedom of navigation and over flight sa South China Sea.
Kung walang magiging balakid, masisimulan sa Nobyembre ang konsultasyon para sa Code of Conduct.
Framework draft ng Code of Conduct sa South China Sea, napagkasunduan ng ASEAN at China
Facebook Comments