Manila, Philippines – nKumpiyansa ang Department of Foreign Affairs na mai-i-endorso na sa 50th ASEAN Foreign Ministers Meeting at sa iba pang pagpupulong ang framework ng code of conduct sa West Philippine Sea.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Robespierre Bolivar ,kapag umusad na ang framework , matatalakay na ang actual na code of conducT bago matapos ang Chairmanship ng Pilipinas sa ASEAN.
Iginiit ni Bolivar na iba ang nilalaman ng framework ng kasalukuyang COC kumpara sa nilagdaan ng ASEAN at China na Declaration on the Conduct Parties noong 2002.
Ang framework ang magsisilbing guide upang mapagtuunan ng pansin ang iba pang mga pangunahing isyu na kinakailangang maging bahagi ng aktuwal na code of conduct.
Sa Miyerkules, Agosto a dos, sisimulan ang Foreign ASEAN Ministers Meeting sa PICC sa Pasay City.