France, nilinaw na hindi magpapatupad ng lockdown sa kabila ng posibleng second wave ng COVID-19

Nilinaw ng gobyerno ng France na hindi ito magpapatupad ng lockdown kaugnay sa posibleng second wave ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Ayon kay Prime Minister Jean Castex, mapanganib para sa kaniyang nasasakupan at sa ekonomiya ng kanilang bansa ang muling pagpapatupad ng lockdown.

Nabatid na nasa kabuuang 206,072 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa France, kung saan 29,936 na ang namatay habang 77,780 naman ang recoveries.


Posibleng mangyari ang second wave ng nasabing sakit sa France sa paparating na tag-lagas o sa winter depende sa magiging epekto ng panahon ayon sa National Health Agency ng nasabing bansa.

Facebook Comments