Franchise ng Mislatel, ibibigay sa susunod na buwan

125

Ibibigay na ng gobyerno sa susunod na buwan ang prangkisa ng ikatlong telecom player na Mislatel.

Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), sa July 8 igagawad sa Mislatel ang Certificate of Public Convenience and Necessity nito.


Nalagdaan na rin nitong Biyernes (June 14) ang share purchase agreement ng Mislatel Consortium at mga stakeholders nito.

Hinihintay na lamang ang 25.7 billion pesos na performance bond nito.

Magsisimula namang tumanggap ng subscribers ang Mislatel sa susunod na taon.

Facebook Comments

From Advertisers