Storm surge warning system, inilunsad ng DOST

Inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) ang storm surge warning system.

Ito ay kasabay ng paggunita ng typhoon and flood awareness week.

Ayon kay DOST Undersecretary Renato Solidum – pamamaraan ito para maipaabot sa taumbayan kung may posibilidad ng storm surge o daluyong sa bansa.


Tututukan din ng kagawaran ang tamang paggamit ng warning system.

Paalala ni Solidum – ang kaligtasan ng bawat isa ay nakasalalay sa kahandaan ng pamilya komunidad at lokal na pamahalaan.

Facebook Comments