Pinagbantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sasampalin si dating Senador Francisco Tatad dahil sa pagpapakalat ng tsismis na sumailalim siya ng kidney transplant.
Nabatid na isinulat ni Tatad sa kanyang column sa isang pahayagan na naging matagumpay ang kidney transplant ng Pangulo nitong Enero 29 sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan.
Nakasaad din sa column na nagkaroon din ng transplant ang Pangulo sa Davao City.
Hindi ito nagustuhan ng Pangulo, aniya, walang basehan ang mga alegasyon ni Tatad laban sa kanya.
Aniya, si Tatad mismo ang may sakit partikular ay diabetes at pagkabaog.
Inakusahan din ng Pangulo si Tatad na dating information minister sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na lumabag sa press freedom.