Frank Magalona, inaresto

Inaresto kahapon, June 4 ng madaling araw si Francis Michael “Frank” Magalona dahil sa panghihipo di umano nito sa isang babae sa isang bar sa Taguig City.
Si Frank ay kapatid ng mga kilalang artistang sina Maxene, Saab, at Elmo Magalona. Anak siya ng kanyang talent manager na si Pia Arroyo-Magalona at ng yumaong rapper na si Francis Magalona.
Ayon kay Southern Police District Director, Chief Supt. Tomas Apolinario, inireklamo si Frank dahil umano sa panghihipo nito ng isang VIP host sa Revel Bar.
Ukol sa salaysay ng biktima ay kasalukuyang kumukuha siya ng inuming alak nang pumuwesto ang aktor sa kanyang likuran at saka umano’y kinurot ang kanyang pwet. Ang insidenteng iyon ay agad din daw ipinaalam ng biktima sa kanilang supervisor at kasabay ng paghingi nito ng tulong sa head bouncer ng bar.
Si Frank ay kasalukuyang naka-detain sa Taguig Police Station.

Facebook Comments