FRASER’S DOLPHIN NA SUMADSAD SA PAMPANG NG LINGAYEN BEACH, AGARANG NASAGIP

Isang Fraser’s dolphin ang nasagip matapos itong sumadsad sa pampang ng Lingayen Beach noong Biyernes, ika- 22 ng Setyembre 2023.
Ala sais kwarenta ng umaga ng namataan ng isang mangingisda ang nasabing dolphin na nakasadsad sa pampang na mabilis na naitawag sa kinauukulan.
Sa tulong ng BFAR, nakumpirma na fraser’s ang uri ng dolphin na may tinatayang timbang na 50 -60 kilos at may habang abot 1.5 meters.

Base sa report, walang sugat ang namataang dolphin subalit nanghihina ito hinihinalang nawala ito sa kanyang grupo o POD.
Samantala, nagtulong tulong ang PDRRMO, MDRRMO, OPVET, BFAR, PIO at LGU LINGAYEN sa pagsalba sa Fraser’s dolphin.
Sa pamamagitan ng speed boat, matagumpay ang mga kawani sa pag guide sa dolphin na makalayo ng tatlong kilometro sa shorline at sa loob ng tatlumpung minuto pagmamanman sa karagatan, tuluyan ng ngang nakalayo ang fraser’s dolphin.
Kaya naman, kung sakaling may mamataang dolphin o kahit na anong sa tingin mo ay endangered species ay agad itong ipaalam sa kinauukulan upang sa ganun ay masagip ang buhay ng iba pang nilalang na may karapatan din mabuhay sa mundo. |ifmnews
Facebook Comments