Mariing kinondena ng Department of Education (DepEd) ang hazing incident na ikinasawi ng Grade 10 student sa San Enrique, Negros Occidental.
Ayon sa DepEd, mahigpit ang bilin nito sa mga eskwelahan na makipag-ugnayan sa Local Government Units (LGUs), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Philippine National Police (PNP), upang ma-monitor at makontrol ang frats lalo sa elementarya at sekondarya.
Habang muli ding iginiit ng kagawaran ang paninindigan nito laban sa hazing ng fraternities at sororities sa mga eskwelahan.
Umaasa naman ang kagawaran sa mabilis na pag-usad ng imbestigasyon sa kaso ng nasawing estudyante.
Sa ngayon, tatlong suspek na ang natukoy ng mga awtoridad ngunit itinanggi ng mga ito ang nasabing krimen.