Iginiit ni Senator Sonny Angara sa pamahalaan ang pagkuha ng mga fraud investigators para bantayan ang pondo sa mga ahensya ng gobyerno.
Ang mungkahi ni Angara ay sa harap ng nabunyag na anumalya sa Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth tungkol sa ghost dialysis claims.
Ayon kay Angara, pangunahing papel ng mga fraud investigator na alamin ang mga reklamo at kaso ng mga pekeng claims sa Philhealth para may mapanagot.
Ipinunto ni Angara, na bukod dito ay ilang ulit ng na balita ang iba’t ibang anumalya sa Philhealth ng mga bogus claims sa cataract, pneumonia at iba pa pero hanggang ngayon wala pang nakakasuhan at naipakukulong.
Facebook Comments