Free Anti Rabies Vaccination sa Baguio!

Baguio City, Philippines – Goodnews para sa mga idol nating may alagang aso’t pusa, dahil may Free Dog and Cat Rabies Vaccination na ginaganap ngayong April 13, sa Peoples Park Baguio City. Ang tema ng programang ito ay “Barangay Kaagapay, Alis Rabies Tagumpay”, ito ay nagsimula ng 6am at matatapos ng 2pm.

Ang programang ito ay nag-aalok ng Free deworming, vaccination at pet consultation. At ito ay inorganisa ng Bureau of Animal Industry kasama ang Department of Health, Department of Interior and Local Government, Department of Agriculture at isa pang sector ng lokal na Gobyerno.

Facebook Comments