FREE EDUCATION | Higit 70 mula sa lampas 100 Local Universities and Colleges sa bansa lang ang makakapagpatupad ng libreng matrikula – CHED

Manila, Philippines* – *Inanunsyo ng Commission on Higher Education (CHED) na 78 mula sa 107 Local Universities and Colleges (LUCs) sa buong bansa lang ang sakop ng pagpapatupad ng Free Higher Education Law sa susunod na school year.

Paliwanag ni CHED OIC Prospero De Vera – bigong nakapagpasa ang ilang LUCs ng kinakailangang dokumento para makwalipika sa implementasyon ng libreng matrikula. Naglabas din sila ng listahan kung saan ang ilang LUCs tulad ng Quezon City Polytechnic University at University of Makati ay hindi nagpasa ng qualification para sa programa.

Paglilinaw ng CHED, ang LUCs ay magkaiba sa State Universites and Colleges (SUCs) dahil ang LUCs ay sinusuportahan ng local government habang mga SUCs ay pinopondohan ng national government.


Inaasahang ilalabas ngayong linggo ng CHED ang Implementing Rules and Regulations para sa Free Higher Education Law.

Facebook Comments