Free Gas, Rice at Financial Assistance, Ipagkakaloob sa mga Jeepney Driver- Operators

13

Cauayan City, Isabela- Tatanggap ng libreng krudo araw-araw sa loob ng isang (1) linggo ang samahan ng Jeepney Operators and Drivers Association sa City of Ilagan, Isabela.

Sa ginawang Consultative Meeting sa pangunguna ni Mayor Jay Diaz, inihayag nito na laging handang tumulong ang LGU sa mga driver operators na nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya.


Dahil dito, bibigyan ng pagkakataong makapaghanapbuhay ang mga tsuper ng hindi kakailanganing gumastos dahil popondohin ito ng lokal na pamahalaan.

Maliban sa krudo para sa kanilang pamamasada, bibigyan rin ng isang (1) sakong bigas ang mga tsuper,financial assistance at iba pang hakbang para muling makapasada ang mga ito.

Umaasa naman ang LGU na sa ganitong paraan ay mas mabibigyan ng kumpiyansa ang mga tsuper para muling makabangon at makatulong sa kani-kanilang pamilya.

Facebook Comments