Mahigit P15-M halaga ng ecstasy, nasabat ng PDEA mula sa dalawang pinaghihinalaang drug pusher

Nalambat ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang ahensya ng pamahalaan ang dalawang personalidad kung saan nakumpiska ang 9,243 pirasong tableta na pinaghihinalaang ecstasy na nagkakahalaga ng P15,713,100.00 sa Central Post Office, Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Rowena Evangelio, 40-anyos ng Bagumbayan, Teresa, Rizal at Michael de Guzman, 36-anyos, motorcycle rider, residente ng Pasig City.

Sinampahan na ng kaukulang kaso ang naturang mga suspek kung saan ay inaalam na rin ng mga otoridad kung mayroon pang mga kasabwat ang mga ito.


Facebook Comments