Free hospitalization at medical check-up sa mga senior citizen, modernisasyon ng barangay health care system, isinulong ni Senator Pacquiao

Isusulong ni presidential aspirant at Senator Manny Paquiao ang pagbibigay ng libreng hospitalization at medical check-up, ganoon din ang subsidiya sa mga maintenance medicine para sa mga senior citizen.

Diin ni Pacquiao, kailangang alagaang mabuti ng pamahalaan ang mga matatanda upang maging masaya naman sila sa takipsilim ng kanilang buhay.

Giit ni Pacquiao, dapat nating Ipakita ang pagmamahal sa ating mga seniors dahil sila ang dahilan kung bakit nandito tayo ngayon.


Nais din ni Pacquiao na palakasin at isulong ang modernisasyon ng barangay health care system sa bansa.

Sabi ni Pacquiao, ito ay upang mabawasan ang dagsa ng mga pasyente sa mga pampublikong ospital lalong-lalo na ngayon na tuloy-tuloy pa rin ang bantang dulot ng COVID-19.

Paliwanag ni Pacquiao, kapag kumpleto at makabago ang mga medical equipment sa mga barangay health centers at pawang mga propesyonal at maganda ang training ng mga barangay health care workers ay maaari nang mabigyan ng serbisyo ang mga hindi masyadong seryoso na health emergencies kasama na rito ang panganganak at mga diagnostic services.

Idinagdag pa ni Pacquiao na kapag walang korapsyon at masinop ang paggastos sa pondo ng gobyerno ay madali rin para sa pamahalaan na isulong ang modernisasyon ng mga barangay health center.

Facebook Comments