Palasyo, wala pang espesipikong target para sa 2nd round ng National Vaccination Day

51

Wala pang mabanggit ang Palasyo ng Malacañang na bilang na target abutin ng pamahalaan para sa ikalawang sigwada ng Bayanihan, Bakunahan.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at CabSec. Karlo Alexei Nograles, ikinokonsidera nila ang pagtatakda ng target ng mga Local Government Unit (LGU).

Maganda rin naman ang performance ng mga lokal na pamahalaan at ang gagawin na lamang nila ay magkaroon ng re-calibration.


Mula roon ay tsaka sila maglalabas ng indicative target.

Noong unang round ng National Vaccination Drive 15 milyon ang target na maturukan ng bakuna pero ibinaba na lamang ito sa 9 milyon.

Hindi man naabot ang 9 milyon na target, itinuturing pa ring tagumpay ang unang sigwada ng Bayanihan, Bakunahan.



Facebook Comments