Upang lubusang maisakatuparan ang kanilang mga adhikain at obligasyon, lumagda sa isang kontrata ang DENR-ARMM at ang land survey consultants sa ilalim ng Free Land Survey and Titling Project (FLSTP).
Hudyat ang nilagdaang kontrata nina DENR-ARMM Secretary Hadji Kahal Q. Kedtag at consultants Engr. Roda Olive Sobreviñas at Engr. Bienvenido Cacatain ng pagsisimula ng consultation services ng naturang mga inhinyero para sa land surveys.
Kailangan ng mga eksperto para sa land survey activities upang maging mas matagumpay ang proyekto ayon kay Assistant Secretary Alindatu Pagayao, Al-Haj.
Sa mensahe naman ni Sec. Kedtag, siniguro nito na ang programa ay magiging isa sa mga solusyon upang matugunan ang hidwaan sa Maguindanao na kadalasan ay nag-uugat sa agawan ng lupa.
Noong 2016, 1, 800 hectares ng lupain sa conflict-affected area sa SPMS Box na kinabibilangan ng mga bayan ng Shariff Aguak, Pagatin, Mamasapano at Salibo ang sumailalim sa Free Land Survey and Titling Project.
Free Land Surveys and Titling Project ng DENR-ARMM, magpapatuloy!
Facebook Comments