Dinala na ng lokal na pamahalaan Lungsod ng Dagupan ang kanilang programang “Pamilyang Rehistrado, Kinabukasan ay Sigurado” o free late birth registration sa mga paaralan sa lungsod.
Ito ay sa pangunguna ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez.
Ang pagdadala ng programang ito sa mga paaralan ay naglalayon na masamahan ang mga magulang sa late birth registration ng kanilang mga anak.
Ang pagrerehistro sa mga anak nila ay pinangangasiwaan ng Civil Population Office at katuwang na ngayon ang Department of Education Dagupan.
Isa sa mga paaralang pinuntahan ng kawani ng LGU Dagupan ay ang East Central Integrated School sa Brgy. Mayombo.
Hinikayat ng alkalde ang mga magulang na mag-avail ng free birth registration para sa kanilang mga anak o kapamilya kung wala pa itong birth certificate.
Nakapaloob din sa programang ito ang libreng assistance sa mga gustong maikasal at matulungan ang mga pamilya na gawin ng legal ang pagsasama.
Makipag-ugnayan lamang sa paaralan ng kanilang anak ang mga interesadong magulang na nais mag-avail ng programang ito.|ifmnews
Facebook Comments