Cambodian Prime Minister Hun Sen, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 si Cambodian Prime Minister Hun Sen.

Dahil dito, kinansela ng prime minister ang nakatakda niyang pulong kina French President Emmanuel Macron at Chinese leader Xi Jinping sa G20 Summit sa Bali, Indonesia.

Nabatid na katatapos lamang mag-host ni Hun Sen ng ASEAN Summit sa Phonm Penh, Cambodia noong nakaraang linggo kung saan ilang world leaders ang kanyang nakasalamuha kabilang na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Wala pang inilalabas na statement ang Malacañang kung sumailalim na sa COVID-19 test ang pangulo.

Si Pangulong Marcos ay nakatakdang lumipad patungong Thailand sa Miyerkules para sa Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Summit 2022.

Facebook Comments