Free load at data sa mga TELCOs, inihirit ng ilang kongresista

Umapela sina Bayan Muna Rep. Carlos Zarate at Chairman Neri Colmenares sa mga telecommunication companies na bigyan ng libreng load at data ang mga prepaid subscribers.

Ayon kina Zarate at Colmenares, dahil sa limitadong access at maraming tindahan ang sarado ay walang paraan ang iba lalo na ang mga mahihirap para makausap ang mga pamilya sa malalayong lugar at maka-access ng impormasyon gamit ang internet.

Dahil dito, nanawagan sila partikular sa Globe at Smart na magbigay ng free load at data sa mga prepaid users bilang bahagi ng kanilang social responsibility sa gitna ng krisis.


Malaking tulong din ang free load at data lalo na sa mga mahihirap na wala ngayong trabaho at sa halip unahin ang pagpapaload ay ibibili na lamang nila ng pagkain ang kanilang natitirang pera.

Giit pa ng mga mambabatas, ang pagbibigay ng libreng load at data ay katiting lamang kumpara sa ₱7 billion na dapat na i-refund ng mga TELCOs sa kanilang mga subscribers.

Facebook Comments