Free public viewing ng boxing match  ni Senator Manny Pacquiao at Keith Thurman isasagawa ng AFP sa walong kampo ng militar sa bansa sa Linggo

164

Magsasagawa ng free public viewing ang Armed Forces of the Philippines partikular ang Philippine Air Force sa kanilang walong kampo.

 

Ito ay para mapanood ang boxing match nina Senator Manny Pacquiao at Keith Thurman na live mapapanood sa Grand Arena, Las Vegas Nevada sa Estado Unidos.


 

Ayon kay Philippine Airforce Spokesperson Major Aristedes Galang sa July 21, araw ng Linggo magkakaroon ng free public viewing sa Philippine Airforce  Gymnasium, Col Jesus Villamor Air Base, Pasay City,Officers Club House, Basa Air Base, Floridablanca, Pampanga, Officers Club House, Clark Air Base, Pampanga,New Air Defense Alert Center, Puerto Princesa City, Palawan, Multi-Purpose Hall, Edwin Andrews Air Base, Zamboanga City, Base Theater, BGen Benito N Ebuen Air Base, Lapu-Lapu City, Mactan Cebu, Multi-Purpose   Hall,  Air   Force  Officers   School,  Fernando  Air   Base,   Lipa City, Batangas, Multi-Purpose Hall, 710th SPOW, Col Ernesto Rabina Air Base, Brgy. Sta. Juliana, Capas, Tarlac at sa Maj Danilo Atienza Air Base Gymnasium, Sangley point Cavite.

 

 

Sinabi ni Galang na isa ito sa kanilang mga aktibidad para mapaangat pa ang morale at kapakanan ng kanilang mga tauhan at dependents ng mga ito.

 

Magsisilbi rin aniya itong binding mga sundalo sa kanilang mga pamilya.

Facebook Comments

From Advertisers