Negosyanteng may Kasong Pagpatay, Arestado!

224

*San Mateo, Isabela* – Arestado ang isang negosyante matapos isilbi ang mandamiento de aresto nito dahil sa kasong pagpatay ganap na alas diyes ng umaga sa Brgy. Bacarrena, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Bayani Canuel, 44 anyos, may asawa at residente ng naturang lugar.


Dinakip ng mga tauhan ng PNP San Mateo ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Raul V. Babaran ng Branch 19 – Cauayan City.

Samantala, walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ang akusado ay dinala na sa himpilan ng kapulisan ng San Mateo para sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments