Free-trade agreement sa pagitan ng Pilipinas at South Korea, natapos na

Natapos na ang negosasyon para sa free-trade agreement o kasunduan para sa malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at South Korea.

Dahil dito, lumagda si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez at Korean Trade Minister Yeo Han-Koo sa joint statement, kung saan nakasaad ang pagnanais ng dalawang bansa na palakasin ang economic partnership at gawin pang liberalize ang kalakalan.

Sinabi rin sa joint statement na isusulong ng dalawang bansa ang paglagda sa Korea-Philippine Free Trade Agreement sa unang bahagi ng 2022.


Sa ngayon, pagtitiyak ng DTI na naresolba na ang lahat ng isyu na hindi napagkasunduan ng dalawang bansa nang magnegosasyon noong 2019.

Ang pinal na negosasyon ay sumentro sa pag-export ng saging ng Pilipinas patungo sa Korea at pagluluwas nila dito ng automotive units at parts.

Kasama rin sa tinalakay ang buwis sa pag-e-export ng pinya sa Korea.

Facebook Comments