FREE TUITION FEE | Massive information campaign, sisimulan na ng CHED sa susunod na buwan

Manila, Philippines – Sisimulan na sa susunod na buwan ng Commission on Higher Education (CHED) ang massive information campaign para sa batas na magbibigay ng libreng matrikula sa mga State Universities and Colleges (SUCs), Local Universities and Colleges (LUCs), at Technical-Vocational Institutions.

Ayon kay CHED Commissioner Propero “Popoy” De Vera target nilang tapusin ngayong buwan ang laman ng Implementing Rules and Regulation sa nasabing batas para mailabas na ang detalye sa Pebrero.

Mayroon naman na aniyang mga guidelines para sa free tuition sa SUCs, kaya kampante si De Vera na maipapatupad na ang Republic Act 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act sa pasukan sa Hunyo.


Tinatayang aabot sa 1.1 milyong mga estudyante ang makikinabang sa libreng matrikula.

Pero paglilinaw ni De Vera, ang mga makakatanggap ng libreng tuition ay kailangang tapusin ang kurso sa takdang panahon upang hindi mawala ang subsidiya ng gobyerno na nakalaan para sa kinuhang kurso.

Facebook Comments