Sanggol Inabanduna

100

Baguio, Philippines – Isang hinihinalang kaso ng frustrated infanticide ang ini-report sa tanggapan ng BCPO Station 9 pasado ala-una ng hapon noong Jan. 18,2018 araw ng Huwebes.
Agad namang rumisponde ang mga kapulisan ng Station 9 kasama ang team 2 FTP Delta Coy at ni FTO SP01 Omar Palicacad sa bakanteng lote ng Purok 3, Irisan, Baguio City kung saan itinapon ang sanggol.
Dinala ang bata sa BGHMC upang bigyan ng agarang gamutan.
Kasalukuyan paring ini-imbistigahan ng mga awtoridad ang kaso.

Facebook Comments

From Advertisers