Davao – Siyam na mga kolehiyo at unibersidad sa Davao region ang magpapatupad na rin ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act ngayong academic year 2018-2019.
Kabilang sa public higher education institutions na tinukoy ay ang mga sumunod:
· Compostela Valley State College
· Davao del Norte State College
· Davao Oriental State College of Science And Technology
· Southern Philippines Agri-Business and Marine and Aquatic School of Technology
· University of Southeastern Philippines
· Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology
· Governor Generoso College of Arts, Sciences and Technology
· Monkayo College of Arts, Sciences and Technology
· Kolehiyo ng Pantukan
Sa ilalim ng batas, mapapakinabangan ng mga i-a-admit na estudyante ang free tuition, miscellaneous at iba pang singilin alinsunod sa implementing rules and regulations ng papasukang State Universities and Colleges at CHED-Recognized Local Universities And Colleges (LUCS).
Para sa mag-enroll sa State-Run Technical Vocational Institutions, makakapag-avail na sila ng mga loan tulad ng Tertiary Education subsidy (TES) , free Technical-Vocational Education (TVET) and training at ng National Student Loan Program (SLP).
Pumasok na sa ika siyam na yugto ang nationwide information caravan na isinasagawa ng Commission On Higher Education (CHED) na naglalayong ipalaganap ang mga benepisyo sa ilalim ng R.A. 10931.