Tiniyak ni US Secretary of State Mike Pompeo na agad tutulungan ang Pilipinas saka-sakaling atakihin ng China ang ating mga vessels na dumaraan sa South China Sea
Sa pulong balitaan sa DFA sinabi ni US Secretary of State Pompeo na dapat panatilin ang freedom of navigation sa west philippine sea na inaangkin ng China
Kasunod nito sinabi ni Pompeo na ang patuloy na pagtatayo ng imprastraktura sa South China sea ay banta sa soberenya at seguridad ng Pilipinas
Sinabi din nito na magtutuloy tuloy ang matatag na alyansa ng Amerika at ng Pilipinas
Matapos makipagpulong kay Foreign Affairs Sec Teodoro Locsin si Pompeo ay haharap naman sa ibat ibang pinuno ng business sector
Facebook Comments