Freedom of speech, hindi maaring gamiting palusot ni Alvarez sa kanyang mga pahayag laban kay PBBM

Iginiit ni Camiguin Rep. Jurdin Jesus Romualdo na isang palusot lamang ang sinabi ni dating House Speaker at ngayon ay Davao Del Norte Rep. Pantaleon Alvarez na “freedom of speech” ang kanyang pahayag na humihikayat sa militar na bumawi ng suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Romualdo, siguradong alam ni Alvarez na hindi absolute ang freedom of speech lalo na kung mananawagan ng pag-aaklas sa pamahalaan at mapanirang pahayag.

Bunsod nito ay suportado ni Romualdo ang desisyon ni Justice Secretary Jesus Remulla na imbestigahan ang naturang “seditious statement” ni Alvarez.


Maging si House Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun ay nagsabi din na hindi maituturing na isang payak o simpleng pagpapahayag lamang ng kaniyang saloobin at hinaing sinabi ni Alvarez.

Naniniwala si Khonghun na ang tunay na motibo ni Alvarez ay ang maghasik ng kaguluhan, kalituhan at paninira. upang mapabagsak ang kasalukuyang administrasyon.

Facebook Comments