Freelance Make-up Artists at Barbero, Tumanggap ng Financial Assistance sa LGU Santiago

Cauayan City, Isabela- Ikinatuwa ng ilang sektor ng lipunan gaya ng barber, freelance make-up artist at salon employee’s ng nakatanggap ng tulong pinansyal sa Lokal na Pamahalaan ng Santiago sa kabila ng patuloy na nararanasang krisis dulot ng pandemya.

Sa kanyang facebook live post, inihayag ni Mayor Joseph Tan na tinatayang nasa mahigit 100 ang nabigyan ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P2,500 bilang tugon dahil sa malaking epekto ng nasabing krisis.

Bukod dito, tatanggap naman ng ayuda ang nasa mahigit 700 na ‘iskolar ng bayan’ ng P2,500 na siyang magagamit ng mga ito sa iba pang kakailanganin sa kanilang pag-aaral.


Samantala, hinihintay pa rin ng Lokal na Pamahalaan ng Santiago ang magiging tugon ng Inter-agency task force sa hiling nito na manatili sa General Community Quarantine ang buong siyudad.

Pakiusap lang ng opisyal sa publiko na ugaliin pa rin ang pagsunod sa safety protocol para makaiwas sa posibleng pagkalat ng nasabing virus.

Ipinanawagan naman ni Tan sa publiko na iwasan na maniwala sa mga nailalathala sa social media na wala namang basehan para makaiwas sa fake news.

*tags: 98.5 iFM Cauayan, 98.5 RMN, LGU Santiago City, Isabela, COVID-19, Luzon*

Facebook Comments