Top 7 most wanted sa Cagayan, naaresto sa Pasay City

53

Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang 36-anyos na si John Philip Yoldi, na Top 7 Most Wanted Person ng Aparri Police Station, Cagayan Valley.


Si Yoldi ay naaresto ng mga tauhan ng Southern Police District Intelligence Division at ng Aparri Police Station, Cagayan Police Provincial Office.

Dinampot si Yoldi sa isang construction site sa Andrews Ave., Pasay City sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng Regional Trial Court Branch 10 para sa kasong frustrated homicide na may piyansang P120,000.

Ang akusado ay pansamantalang nasa kustodiya ng Taguig City Police Station habang hinihintay ang commitment order at return of warrant sa korteng nag-issue nito.

Facebook Comments