Freeze order sa mga ari-arian ni FPRRD, handang ipatupad ng Malacañang kung ipag-uutos ng korte

Tatalima ang pamahalaan kung ipag-uutos ng International Criminal Court (ICC) na i-freeze ang mga ari-arian ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, pwede kasi itong ipag-utos ng ICC habang nagpapatuloy ang pagdinig sa kaso.

Gayunpaman, susunod lamang aniya sila kung maipakikita ng mga awtoridad na may umiiral na batas na nagpapahintulot sa gobyerno na i-freeze ang mga ari-arian ng akusado.

Samantala, sinabi naman ni Castro na walang sinagot na gastusin ang pamahalaan sa pagdinig ni FPRRD tulad ng legal counsel dahil mayroon naman daw sariling abogado ang dating pangulo.

Wala na ring kamay ang pamahalaan sa dating pangulo dahil hawak na ito ng ICC.

Facebook Comments